Hot Intruder: The Mysterious Intruder
Heart Yngrid

Ang problema, wala namang nagbago sa unfashionable look niya. Hindi maaaring malaman ng kahit sino kung ano ang trabaho niya at wala rin siyang maihaharap ni pangit na nobyo. Isang gabi ay may isang guwapong lalaking pumasok sa kanyang bahay nang walang paalam.
Sinabi niyang idedemanda niya ito ng trespassing ngunit nag-alok ito ng magandang offer para hindi na ito maidemanda: tutulungan daw siya nito na ma-achieve ang goal niya para sa college reunion niya. Ang offer nito: grand makeover, fabricated job, at good-looking pretend boyfriend. Ma-solve kaya nito ang problema niya o mapapahamak lamang siya… at pati ang puso niya rito?